Ang ibig sabihin ng SWOT ay Strength (Kalakasan), Weaknesses (Kahinaan), Opportunities (Oportunidad) at Threats (Hadlang). SWOT Analysis ang kalimitang ginagamit ng mga organisasyon upang alamin ang panloob at panlabas na kundisyon nito tuwing nagkakaroon ng pagkakataon para e-assess at e-evaluate ang sarili.
Ang Strengths at Weaknesses ay tumutukoy sa panloob na kundisyon ng mga tao at ng organisasyon samantalang ang Opportunities at Threats naman ay tumutukoy sa panlabas na kundisyon. Ginagawa ang SWOT analysis upang malaman ang mga bagay na dapat baguhin, palakasin, at ipagpatuloy para sa ikauunlad ng isang organisasyon at ng mga miyembro nito.
Ang nasa ibaba ay mga tanong na makatutulong sa pagsagawa ng SWOT Analysis na maaaring simulan sa bawat miyembro at sa organisasyon:
- Anong natatanging kaalaman, talento, o resources ang mayroon tayo?
- Anong mga pakinabang ang mayroon tayo?
- Ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa ginagawa natin na maganda?
- Ano ang ating pinakamalaking nakamit(accomplishment)?
Weaknesses:
- Anong aspeto sa organisasyon ang maaari pa nating mapabuti?
- Anong kaalaman, talento, kakayahan, at mga resources ang kulang sa atin?
- Ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa atin na hindi maganda?
- Saang aspeto ng organisasyon kailangan nating magdagdag ng pagsasanay?
- Anong mga reklamo mayroon ang ating mga kliyente tungkol sa ating serbisyo?
Opportunities
- Paano natin magagawang oportunidad ang ating mga kahinaan?
- Mayroon bang pangangailangan sa organisasyon at komunidad na walang sinuman ang nakatutugon?
- Ano ang maaari nating gawin sa ngayon na hindi pa nagagawa?
- Paano nagbabago ang mga polisiya sa bansa sa ngayon at paano natin ito mapapakinabangan?
- Sino ang maaring sumuporta o tumulong sa atin? Paano tayo nila matutulungan?
Threats
- Anong mga hadlang ang kinakaharap natin?
- Mayroon bang anumang mga pagbabago sa batas o mga pamantayan na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa atin?
- Mayroon bang mga pagbabago sa teknolohiya at ibang larangan na maaaring magbanta sa ating tagumpay?
Strengths
- Ano ang pinakamahusay na nagawa natin?- Anong natatanging kaalaman, talento, o resources ang mayroon tayo?
- Anong mga pakinabang ang mayroon tayo?
- Ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa ginagawa natin na maganda?
- Ano ang ating pinakamalaking nakamit(accomplishment)?
- Anong aspeto sa organisasyon ang maaari pa nating mapabuti?
- Anong kaalaman, talento, kakayahan, at mga resources ang kulang sa atin?
- Ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa atin na hindi maganda?
- Saang aspeto ng organisasyon kailangan nating magdagdag ng pagsasanay?
- Anong mga reklamo mayroon ang ating mga kliyente tungkol sa ating serbisyo?
Opportunities
- Paano natin magagawang oportunidad ang ating mga kahinaan?
- Mayroon bang pangangailangan sa organisasyon at komunidad na walang sinuman ang nakatutugon?
- Ano ang maaari nating gawin sa ngayon na hindi pa nagagawa?
- Paano nagbabago ang mga polisiya sa bansa sa ngayon at paano natin ito mapapakinabangan?
- Sino ang maaring sumuporta o tumulong sa atin? Paano tayo nila matutulungan?
Threats
- Anong mga hadlang ang kinakaharap natin?
- Maaari bang maging dahilan ang ating mga kahinaan upang hindi natin matugunan ang ating mga layunin?
- Sino o ano ang maaring magdulot sa atin ng problema sa hinaharap? Paano?- Mayroon bang anumang mga pagbabago sa batas o mga pamantayan na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa atin?
- Mayroon bang mga pagbabago sa teknolohiya at ibang larangan na maaaring magbanta sa ating tagumpay?
ano ang sagot sa mga tanong sa streanght, weakness, oppurtunities at theats?
ReplyDeleteMga halimbawang sagot:
ReplyDeleteStrengths - Mga accomplishments ng barangay like naka pagpagawa ng mga evacuation center, naka pagtraining ng mga rescuer sa panahon ng disaster, etc.
Weaknesses - maliit na IRA, walang maayos na barangay hall, etc.
Opportunities - ang kapitan ay may kakilala sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng DA, DENR, DPWH. Maaari ding may mga naka tira sa barangay na mga malalaking negosyante, etc.
Threats - kontra partido sa Munisipyo o syudad, mga kalamidad, etc.